September 13, 2008

Timpi

Mula sa makulimlim kapit sa patalim
saklip and lamig at ang dilim
karamay ang hapdi at kawalan
Hiniwang katimpian

Salugsog ng alaalang nakakaakit
Ulila sa liwanag wala nang bait
Sukdulan na ang hirap at kamatayan
Pikit-mata pinalaya and katimpian

Ngayo’y malaya na sa selda
Ngunit hindi pa sa pangangapa
Natarok din ang inampalayang kataksilan
Hinubaran ko na ang katimpian

Nakararahuyong pangako ng mga pulitiko
Buksan ang mga mata, pakiramdaman ang tukso
Bawat himaymay ay himayin at suriin
Masangkot sa masanghayang tungkulin

12 Comments »

  1. Atticus Says

    hehe. idinaan na lang sa tula ang galit? puwede rin.

    sabi ng isang sitenta anyos na komentarista, ayaw raw niyang gamitin ang salitang gobyerno. katunog daw kasi ng impyerno. simpleng linya, pero epektibo. hehe.

    Made on September 14, 2008 @ 5:09 am

  2. soulsheik Says

    >>Atticus

    Hahahahaha. Nagkatotoo nga yung “…..run like hell by Filipinos.”

    Hindi habang panahon ang pagtitiis. May hangganan rin ito.

    Nice one Atticus!

    Made on September 14, 2008 @ 5:39 am

  3. GODDESS Says

    i’m not one to involve myself in political conversations but this i have to say, philippine politics is just s-a-d. probably an understatement.

    thank you so much for your comment on my blog. i really appreciate it. i answered your comment by the way.

    will come back and read more =)

    Made on September 14, 2008 @ 8:01 pm

  4. soulsheik Says

    >>Goddess

    You’re right about S-A-D.

    S-tubborn and Silly
    A-ppalling and Atrophied
    D-estitute and Diasporic

    Take good care.

    Made on September 15, 2008 @ 1:56 am

  5. GODDESS Says

    witty… i like that.

    love the piece about scarred people.

    mwah!

    Made on September 15, 2008 @ 2:36 am

  6. soulsheik Says

    >>Goddess

    I’ll be posting that narrative here.

    Made on September 15, 2008 @ 4:10 am

  7. Sexy Mom Says

    you must know your tagalog pretty well, and have the passion on the subject matter, to be able to write that deeply. tama ba na sa simple salita ang ibig sabihin, Tama na! Sobra na! Magbago na!

    Made on September 15, 2008 @ 4:19 am

  8. GODDESS Says

    will be waiting for it =)

    Made on September 15, 2008 @ 4:56 am

  9. soulsheik Says

    >>Sexy Mom/Dine,

    “Tama na! Sobra na! Magbago na!,” sigaw natin nuong panahon ni Marcos. Nagkaroon nga ng pagbabago. Pinalaya tayo ni Ninoy sa kapit ni Marcos. Sinabi ‘nya, “A Filipino is worth dying for..”

    Naunawaan kaya natin ng lubusan ang kanyang mensahe? Bakit baon pa rin tayo sa kasaklapan?

    Lumipas na siguro ang mga panahon ng salita, panahon na ng gawa at kawanggawa. Magbago na tayo!

    I still subscribe to your previous comment, “It’s time for a moral and spiritual revolution.”

    Thanks for visiting.

    Made on September 15, 2008 @ 5:49 am

  10. soulsheik Says

    >>Goddess

    Thanks. Likewise I’ll be awaiting your post as well.

    Be well.

    Made on September 18, 2008 @ 3:36 pm

  11. haze Says

    Ang galing mo ring mag tagalog hindi ko maarok ! Sana nga may pagbabago pang dumating ngunit kung hindi tayo’y tuluyang makipaglaban sa agos ng buhay kasama ng ating mga mahal sa piling :D !

    Makata talaga ang dating ;) !

    Made on September 19, 2008 @ 1:33 pm

  12. soulsheik Says

    >>Haze

    Hindi naman ako magaling. Mahal ko lang salita natin, kahit nabubulol ako. Pang-apat na pumasok ang tagalog. Una yung bisaya, sunud english, tapos chavacano (spanish creole), tsaka tagalog na. Hirap nga ako nung estudyante pa ako, salamat na lang sa mga panahon na ‘yon merong komiks, Wakasan, Holiday, Pinoy Komiks, Pinoy Klassics atpb.

    Tungkol sa pagbabago - Pag inaasahan natin na meron, magkakaroon, ngunit sa palagay ko, ito’y darating sa panahon na mga anak natin (earliest) kundi sa mga apo na (sensible estimate). Hindi rin ito magkakatotoo pag di natin umpisahan mga hakbang patungo sa pagbabago ngayon.

    Salamat sa pagbisita Haze.

    Made on September 21, 2008 @ 8:51 am

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment



Anti-spam measure: please retype the above text into the box provided.